The Petition was submitted to the Supreme Court today, June 30, 2025.
The petitioners come from the Deaf community, pupils (represented by their parents or guardians), teachers, the Indigenous Cultural Community, linguists, and other academics.
English Version
SUMMARY OF THE PETITION TO DECLARE REPUBLIC ACT NO. 12027 UNCONSTITUTIONAL
This Petition asks the Supreme Court to
declare Republic Act No. 12027 and its Implementing Rules and Regulations (IRR)
unconstitutional. Petitioners argue that the law violates multiple provisions
of the 1987 Constitution, including the right to due process and equal
protection (Art. III, Sec. 1), freedom of expression (Art. III, Sec. 4), and
the right to be educated in one’s mother tongue (Art. XIV, Sec. 7). It also violates
jurisprudence, particularly the Supreme Court ruling in Cotescup v. Secretary
of Education, which upheld the use of the mother tongue as a primary medium of
instruction.
RA 12027 removes the requirement to use the
learner’s first language (L1) as a subject and medium of instruction from
Kindergarten to Grade 3. This demotes the child’s home language to a marginal
role, contradicting laws and evidence that affirm its importance in ensuring
quality, inclusive, and equitable education.
“To remove the learner’s L1 as a subject is
not a neutral act—it is a form of cultural erasure.”
Main Points:
1. It discriminates against the majority of
Filipino learners. Over 60% of children in Grades K to 3 speak neither Tagalog
nor English at home. The law forces them to learn in unfamiliar languages,
undermining comprehension and deep learning.
2. It silences teachers and undermines
inclusive school leadership. Section 4 imposes vague administrative sanctions
on the use of the mother tongue, discouraging its use even where it is most
effective—especially for Indigenous learners and Deaf students who use Filipino
Sign Language (FSL).
3. It contradicts decades of educational
research and Philippine experience. International studies and DepEd’s own
assessments show that children learn best when instruction begins in the
language they know best.
4. It violates both national laws (such as
RA 10533, RA 11106, RA 8371) and international commitments (CRC, CRPD, ICESCR,
CADE) which uphold the rights of linguistic minorities, including Indigenous
Peoples and the Deaf, to accessible, meaningful education in their own
languages.
5. It imposes an unfair burden on local
languages. The law allows L1-based instruction only under narrow conditions
such as encyclopedias approved and published only by KWF and teachers who are trained
and language proficient, requirements not imposed on Filipino or English.
What Petitioners Request:
Petitioners respectfully ask the Supreme
Court to issue a Temporary Restraining Order or Writ of Preliminary Injunction
to halt the implementation of RA 12027, which took effect in June 2025. Without
intervention, millions of children—especially those from non-Tagalog
backgrounds and the Deaf community—will be denied their right to learn in the
language of their birth, home, and identity.
This petition stands for every learner’s
right to quality education rooted in their own language, culture, and dignity.
...............................................................................
Filipino Version
BUOD NG PETISYON PARA IDEKLARANG LABAG SA KONSTITUSYON ANG
REPUBLIC ACT NO. 12027
Ang petisyong ito ay inihain sa Korte Suprema upang ideklarang labag sa
Konstitusyon ang Republic Act No. 12027 at ang Implementing Rules and
Regulations (IRR) nito. Iginiit ng mga petisyoner—na kinabibilangan ng mga
bata, magulang, guro, lider ng katutubo, mga lingguwista, at kinatawan ng
komunidad ng Bingi—na nilalabag ng batas na ito ang mga pangunahing karapatan
sa 1987 Konstitusyon, kabilang ang karapatan sa due process at pantay-pantay na
pagtingin sa batas (Art. III, Sec. 1), kalayaan sa pagpapahayag (Art. III, Sec.
4), at ang karapatang matuto gamit ang sariling wika (Art. XIV, Sec. 7).
Nilalabag din nito ang desisyong Cotescup v.
Secretary of Education ng Korte Suprema, na kinilala ang legalidad ng
paggamit ng unang wika bilang pangunahing midyum ng pagtuturo.
Tinatanggal ng RA 12027 ang rekisitong gamitin
ang mother tongue bilang asignatura at pangunahing midyum ng pagtuturo mula
Kindergarten hanggang Grade 3. Sa halip na palakasin, pinapababa nito ang
halaga ng wikang ginagamit sa tahanan ng bata, at ginagawang opsyonal—sa kabila
ng matibay na ebidensiyang ang paggamit ng unang wika ay nagpapabuti sa
pagkatuto, pagkakapantay-pantay, at inklusyon.
“Ang
pagtanggal sa unang wika ng bata bilang asignatura ay hindi inosenteng
hakbang—ito ay isang anyo ng pagbura sa kultura.”
Pangunahing
Punto:
1.
Mapanira at
mapanlinlang sa nakararaming batang Pilipino. Mahigit 60% ng mga
mag-aaral sa K hanggang Grade 3 ay hindi nagsasalita ng Tagalog o Ingles sa
bahay. Pinipilit silang matuto gamit ang wikang banyaga sa kanila, na
humahadlang sa kanilang pag-unawa at partisipasyon.
2.
Pinatatahimik ang
mga guro at pinahihina ang pamumunong pang-edukasyon sa lokal. Ang
Seksyon 4 ay nagpapataw ng di-malinaw at nakakatakot na parusa sa mga gurong
gumagamit ng mother tongue, lalo na sa mga nagtuturo sa mga katutubo at sa mga
batang Bingi na gumagamit ng Filipino Sign Language (FSL).
3.
Taliwas sa
pananaliksik at pinakamahusay na praktika. Ipinapakita ng mga
pag-aaral mula sa World Bank, UNESCO, at maging ng DepEd mismo, na mas epektibo
ang pagkatuto kung sisimulan sa wikang nauunawaan ng bata.
4.
Nilalabag ang
umiiral na batas at internasyonal na kasunduan. Sinasalungat ng RA
12027 ang mga naunang reporma gaya ng K to 12 Law (RA 10533), Filipino Sign
Language Act (RA 11106), Indigenous Peoples’ Rights Act (RA 8371), at iba pang
batas na nagtataguyod ng inklusibong edukasyon. Nilalabag din nito ang mga pandaigdigang
kasunduan gaya ng CRC, ICESCR, CRPD, at CADE.
5.
Nagpapataw ng
imposibleng pasanin sa mga lokal na wika. Bagamat sinasabing maaaring
gamitin ang MTB-MLE sa mga "monolinggwal na klase," naglalagay ito ng
mahigpit at makitid na mga kundisyon tulad ng mga encyclopedia na inaprubahan
at inilathala lamang ng KWF at mga gurong may sapat na kasanayan at bihasa sa
wika, mga rekisitong hindi hinihingi sa paggamit ng Ingles o Filipino.
Hiling
ng mga Petisyoner:
Hinihiling ng mga petisyoner sa Korte Suprema
na maglabas ng Temporary Restraining Order
o Writ of Preliminary Injunction upang
pansamantalang ipatigil ang implementasyon ng RA 12027, na nagsimula noong
Hunyo 2025. Kung walang agarang aksyon, milyon-milyong bata—lalo na mula sa mga
hindi-Tagalog at komunidad ng Bingi—ang mawawalan ng patas, inklusibo, at
dekalidad na edukasyon sa wikang kanilang alam at ginagamit.
Ang petisyong ito ay hindi lamang pagtatanggol
sa kasalukuyang henerasyon, kundi sa lahat ng susunod pang henerasyon ng mga
batang Pilipino. Paninindigan ito para sa karapatan ng bawat bata na matuto,
magpahayag, at umunlad sa wika ng kanyang tahanan, puso, at pagkatao.
Translations in other languages will be posted soon.
No comments:
Post a Comment