The Petition was submitted to the Supreme Court today, June 30, 2025.
The petitioners come from the Deaf community, pupils (represented by their parents or guardians), teachers, the Indigenous Cultural Community, linguists, and other academics.
English Version
SUMMARY OF THE PETITION TO DECLARE REPUBLIC ACT NO. 12027 UNCONSTITUTIONAL
This Petition asks the Supreme Court to declare Republic Act No.
12027 and its Implementing Rules and Regulations (IRR) unconstitutional.
Petitioners argue that the law violates key rights in the 1987
Constitution—namely, the right to due process and equal protection (Art. III,
Sec. 1), freedom of expression (Art. III, Sec. 4), and the right to learn in
one’s mother tongue (Art. XIV, Sec. 7).
RA 12027 removes the requirement to use the mother tongue as a
subject and medium of instruction from Kindergarten to Grade 3. It reduces the
child’s home language to a minor, optional role—despite evidence that using the
mother tongue improves learning, equity, and inclusion.
“To remove the learner’s L1 as a subject is not a neutral act—it
is a form of cultural erasure.”
Main Points:
1. It discriminates
against most Filipino learners. Over 60% of children in Grades K to 3 do not
speak Tagalog or English at home. This law forces them to learn in unfamiliar
languages, placing them at a clear disadvantage.
2. It silences
teachers and weakens local school leadership. Section 4 imposes vague
administrative penalties for using the mother tongue. This causes fear among
teachers, especially those working with indigenous learners and Deaf children
who use Filipino Sign Language.
3. It contradicts
research and best practice. International studies—including those by the World
Bank and UNESCO—show that children learn best when they start school in the
language they understand best.
4. It violates
existing Philippine laws and international human rights commitments. RA 12027
undermines earlier education reforms such as the K to 12 Law (RA 10533), the
Filipino Sign Language Law (RA 11106), and the principle of inclusive
education.
5. It places an
impossible burden on local languages. The law claims that MTB-MLE may be used
in "monolingual classes," but sets unrealistic requirements, such as
using orthographies, grammar guides, and readers approved and published by KWF,
as well as teacher language proficiency and training, while placing no similar
burden on English or Filipino.
What the Petitioners Request:
The petitioners ask the Court to issue a Temporary Restraining Order
or Writ of Preliminary Injunction to stop the implementation of RA 12027, which
began in June 2025. Without intervention, millions of children—especially from
non-Tagalog and Deaf communities—will be harmed by being denied access to
quality education in the language they know best.
This petition defends not just current students, but also future
generations, and stands for every child’s right to learn in the language of
their home, heart, and heritage.
...............................................................................
Filipino Version
BUOD NG PETISYON PARA IDEKLARANG LABAG SA KONSTITUSYON ANG
REPUBLIC ACT NO. 12027
Ang petisyong ito ay inihain sa Korte Suprema upang ideklarang
labag sa Konstitusyon ang Republic Act No. 12027 at ang Implementing Rules and
Regulations (IRR) nito. Iginiit ng mga petisyoner na nilalabag ng batas na ito
ang mga pangunahing karapatan sa 1987 Konstitusyon—kabilang ang karapatang sa
due process at pantay-pantay na pagtingin sa batas (Art. III, Sec. 1), kalayaan
sa pagpapahayag (Art. III, Sec. 4), at ang karapatang matuto gamit ang sariling
wika (Art. XIV, Sec. 7).
Tinatanggal ng RA 12027 ang rekisitong gamitin ang mother tongue
bilang asignatura at midyum ng pagtuturo mula Kindergarten hanggang Grade 3.
Pinapababa nito ang halaga ng wika ng bata sa tahanan o home language, at
ginagawang opsyonal —sa kabila ng malinaw na ebidensiyang na ang paggamit ng
mother tongue ay nagpapahusay sa pagkatuto, pagkakaroon ng
pagkakapantay-pantay, at pagtiyak na walang maiiwan.
“Ang pagtanggal sa unang wika ng bata bilang asignatura ay hindi
inosenteng hakbang—ito ay isang anyo ng pagbura sa kultura.”
Pangunahing Punto:
1. Ito ay
mapanlinlang at mapanira sa nakararaming batang Pilipino. Mahigit 60% ng mga
mag-aaral sa K hanggang Grade 3 ay hindi nagsasalita ng Tagalog o Ingles sa bahay.
Pinipilit silang matuto gamit ang wikang banyaga sa kanila, na naglalagay sa
kanila sa mas mahirap na kalagayan.
2. Pinatatahimik
nito ang mga guro at pinahihina ang pamumunong pang-edukasyon sa lokal.
Nagpapataw ang Seksyon 4 ng mga hindi malinaw na parusa sa mga gurong gumagamit
ng mother tongue. Dahil dito, natatakot ang mga guro—lalo na yaong nagtuturo sa
mga katutubo at sa mga Batang Bingi na gumagamit ng Filipino Sign Language
(FSL).
3. Taliwas ito sa
mga pananaliksik at pinakamahusay na praktika. Ipinapakita ng mga pandaigdigang
pag-aaral, kabilang na ang sa World Bank at UNESCO, na mas mahusay matuto ang
mga bata kung sisimulan ang edukasyon gamit ang wikang alam na nila.
4. Nilalabag nito
ang umiiral na mga batas sa Pilipinas at ang mga internasyonal na kasunduan sa
karapatang pantao. Winawasak ng RA 12027 ang mga repormang gaya ng K to 12 Law
(RA 10533), Filipino Sign Language Law (RA 11106), at ang prinsipyo ng
inklusibong edukasyon.
5. Nagpapataw ito ng imposibleng pasanin sa mga lokal na wika. Sinasabi ng batas na maaaring gamitin ang MTB-MLE sa mga "monolinggwal na klase," ngunit nagtatakda ito ng mga di-makatwirang kondisyon—tulad ng paggamit ng ortograpiya, gabay sa gramatika, at mga babasahing aprubado at inilathala ng KWF, pati na rin ang kasanayan at paghahanda ng guro sa naturang wika—samantalang walang ganitong pasanin na ipinapataw sa Ingles o Filipino.
Hiling ng mga Petisyoner:
Hiniling ng mga petisyoner sa Korte Suprema ang paglalabas ng
Temporary Restraining Order o Writ of Preliminary Injunction upang
pansamantalang ipatigil ang implementasyon ng RA 12027, na nagsimula noong
Hunyo 2025. Kung walang agarang aksyon, milyon-milyong bata—lalo na ang mga
hindi Tagalog at ang mga Bingi—ang mawawalan ng patas at dekalidad na edukasyon
sa wikang alam nila.
Translations in other languages will be posted soon.