Join us in 𝑰𝒍𝒐𝒊𝒍𝒐 𝑪𝒊𝒕𝒚 (𝑷𝒉𝒊𝒍𝒊𝒑𝒑𝒊𝒏𝒆𝒔) on 𝑭𝒆𝒃𝒓𝒖𝒂𝒓𝒚 21-23, 2023
This blogsite was created to create awareness and share resources on Mother Tongue Based Multilingual Education (MTB-MLE). It also provides updates and relevant information about the state of MTB-MLE in the Philippines.
2.14.2023
Conference Workshop on the International Decade of Indigenous Languages and the SDGs
2.10.2023
What Chat.GPT says about MLE (advantages, approaches, and hurdles)
𝗖𝗵𝗮𝘁𝗚𝗣𝗧 is trending these days. It can be accessed through https://chat.openai.com/. It is “an AI-powered chatbot developed by OpenAI, based on the GPT (Generative Pretrained Transformer) language model. It can respond to queries in a human-like text based response. It draws from a big data of reports and literature that were generated in 2021 and earlier. I asked the application several questions related to L1-based multilingual education and the responses are impressive.
𝗤𝘂𝗲𝘀𝘁𝗶𝗼𝗻: Why should the teacher use the L1 or mother tongue of the child as the language of instruction?
There is a common perception that using the child's first language (L1) in the classroom will limit their opportunity to learn English, but this is not supported by research. In fact, using the child's L1 in the classroom can enhance their learning and support their development in multiple languages....(it reiterated the answers to my first question)
Question: What are the challenges in implementing multilingual education and inclusive education in a highly multilingual and poor country?
These responses by Chat.GPT are based on tons of research and reports. There is a consensus among scholars about the soundness of MLE. And these same statements have been articulated in many policy hearings at the Congress and Senate. We can only hope that our policymakers will listen to studies. To make the studies work in the Philippines, much wisdom and political will is needed, given the demographic and socio-economic realities of a developing country and the capacity of the government bureaus (DepEd, CHED, ECCD Council). For MLE to become a reality, it involves generating public acceptance, establishing a knowledge base of classroom technologies and materials at all levels and in all languages, and creating a well-planned strategy for contextualized implementation. These can be facilitated by an MLE multisectoral think tank/task force that will provide direction and technical support to current and future administrations. They should ensure that each generation of policymakers and practitioners should not balk at their duties but stay on course and do their part, building on the initiatives of their predecessors. The needs are enormous, and no less than long-term strategizing is required. This is indeed an undertaking beyond our lifetime...
2.07.2023
Statement from Dr. Gregorio del Pilar of the National Research Council of the Philippines (NRCP)
During the congressional hearing in September 2022 on Romulo/Go's bill to suspend MTB-MLE, several researchers and educators were invited to share their studies and expert opinion. The experts came from the Komisyon ng Wikang Pilipino, Philippine Institute for Development Studies, Save the Children, Deaf National Network, Talaytayan MLE, National Research Council of the Philippines, E-Net, the Movement for Safe Equitable Quality and Relevant Education (SEQuRe), Mariano Marcos State U, University of the Philippines, and Univ of British Columbia. ALL of them acknowledged the many challenges of MTB-MLE, but NONE agreed to suspend the program. They asked Congress to instead to support MLE and provide resources to address the implementation challenges.
Unfortunately, this week, 240 of the congressmen voted to pass the bill without showing any study to support their stand. Upon hearing the news, my daughter replied, "ano yun, trip lang nila?"
Without a counterpart bill from the Senate, the bill is not yet a binding policy.
Below is the statement read by Dr. Gregorio del Pilar during the hearing. He is the former president of the National Research Council of the Philippines (NRCP).
You can watch the video of the congressional hearing on their Facebook page:
.............
Pahayag sa Pagdinig ng Mababang Kapulungan sa RA 10533
Ako po ay narito bilang indibidwal, karaniwang mamamayan, at dating pangulo ng National Research Council of the Philippines (NRCP) hanggang nitong nakaraang Marso (2020-2022), at convenor ng MTB-MLE Discussion Group ng organisasyong ito. Ako po ay nanaliksik tungkol sa isyu ng wikang panturo noong dekada 1990, kung saan nirebista ko ang mga pag-aaral (1953-1982, del Pilar, 1990) na pinaghambing ang bisa ng pagtuturo gamit ang Ingles vs. mga wikang Pilipino (Hiligaynon, Pilipino, Filipino). Bilang pangulo ng NRCP, ako po ang nagmungkahi na isama ang MTB-MLE bilang isa sa mga paksa ng pananaliksik sa ilalim ng aming programa sa Policy Research. Naglaan na po kami ng pondo para pag-aralan ang mga problema ng mga guro sa pagpapatupad ng MTB-MLE, at ang pagbubuo ng isang programa ng pagsasanay para tugunan ang mga problemang matutukoy (Macahilig, 2022).
Batay po sa pag-aaral na ginawa ko sa labing-anim na eksperimento mula 1953 hanggang 1982, kasama na ang malalaking pag-aaral ni Aguilar sa Iloilo (1953) at ng Bureau of Public Schools noong 1960 sa limang rehiyong di-Tagalog, malinaw po ang lamang ng mga wikang Pilipino sa Ingles sa pagkatuto sa iba’t-ibang asignatura mula Grade I (Arithmetic, Science) hanggang sekondarya at kolehiyo (Social Studies, Advanced Arithmetic, Biology, Chemistry, Physics), at sa iba’t-ibang probinsya sa Pilipinas (Ilocos, Albay, Sorsogon, Iloilo, Antique, Cebu, Negros Oriental). Tugma po ito sa mga malawakang pananaliksik sa ibang bahagi ng mundo (e.g., Thomas & Collier, 1997) na nagpapakita na ang mga wikang mas alam ng bata ay mas mabisa bilang midyum ng pagtuturo, at ang papel ng wikang panturo na gagap ng mga bata sa pagbubuo ng batayang kognitibo para sa tuloy-tuloy na paglalim ng kaalaman sa agham, matematika, araling panlipunan at maging sa mga wikang panturong iba sa kaniyang inang wika (tulad ng Filipino at Ingles). Ito po ang dahilan kung bakit ganap ang paniniwala ko at ng aming grupo sa NRCP na tama ang hakbang na gawing wikang panturo ang mga inang wika ng mga bata o ang pinakamalapit na wika sa kanilang inang wika na sinasalita sa kanilang lokalidad. Matibay ang aming paniniwala rito sa kabila ng pananatili natin sa kalunos-lunos na posisyon sa dulo ng mga pandaigdigang pagsukat ng kaalaman ng ating mga estudyante matapos tayong lumipat sa sistemang MTB-MLE noong 2013. Ito ay dahil batid namin na ang MTB-MLE ay nangangailangan ng malawakan at malalimang paghahanda na mukhang hindi pa sapat na naisasagawa ng Dep Ed at ng ibang mga kaugnay na ahensya ng gobyerno. Subali’t naniniwala rin kami na maliban sa tamang patakaran hinggil sa wikang panturo, kailangan ding tugunan ang mga mas malawak at karagdagang mga suliranin na tinukoy ng OECD noong 2018, matapos lumabas ang resulta ng PISA, pangunahin na ang kulang na budget para sa edukasyon, at ang kakulangan ng kahandaan ng mga gurong nagpapatupad ng MTB-MLE. Dahil ang mga problemang kinakaharap ng implementasyon ng MTB-MLE ay may tuluyang kaugnayan sa kakulangan ng budget para sa edukasyon, at dahil ito ay kabilang sa iba pang mga problema sa ating sistemang pang-edukasyon, tinatanaw naming positibong kaganapan ang pagpasa ng RA 11899 na nagbubuo ng Second Educational Congressional Commission. Ang komprehensibong pag-aaral ng datos na maingat na kinalap ng iba't-ibang mga mananaliksik at inaasahan nating maingat ding kakalapin ng mga ahensya ng pananaliksik na lalahok sa gawain ng komisyong ito, ay nagbibigay ng malaking pag-asa na matugunan ang mga suliraning kaugnay ng implementasyon ng MTB-MLE.
Sa halip na suspindihin ang implementasyon nito, mungkahi naming ipagpatuloy ang mga proyektong naglalayong paghusayin ito --- tulad ng proyekto ng pananaliksik na gagawin ng NRCP --- habang nakikipagtulungan tayo sa EDCOM II sa paghahanap ng mga higit na maaasahang pangmatagalang solusyon.